Manila, Philippines – Maglalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng proklamasyon kung saan hindi na kilalanin ang New People’s Army bilang mga lehitimong rebelde.
Ito ay matapos ang sunod-sunod na mga pag-atake umano ng NPA sa mga tropa ng pamahalaan sa mga lalawigan.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, dapat nang ikundisera bilang mga kriminal ang NPA.
Dagdag pa ng pangulo – wala ng saysay kung ipagpapatuloy pa ang usapang pangkapayapaan sa mga rebelde kung patuloy pa rin ang ginagawa nilang karahasan.
Samantala, muli namang hinimok ni Duterte ang mga rebelde na ibaba ang kanilang mga armas at sumuko na lamang sa gobyerno.
Facebook Comments