Proklamasyong nagbabasura sa amnestiya ni dating Senador Trillanes, pinawalang bisa ng Korte Suprema

Balido ang amnestiya na ibinigay kay dating Senador Antonio Trillanes IV at ang revocation o pagpapawalang bisa nito sa pamamagitan ng Proclamation Number 527 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay labag sa Konstitusyon.

Ito ang desisyon ng Korte Suprema sa ginanap na En Banc session kung saan sa desisyon na iniakda ni Associate Justice Maria Filomena Singh, binigyang diin na hindi maaring ibasura ng pangulo ng bansa ang ibinigay na amnestiya nang walang pagsang-ayon ng Kongreso.

Ibinase ng Korte Suprema ang hatol nito sa ilalim ng Bill of Rights kasabay ng pagbibigay diin na ang gobyerno o sinumang opisyal nito maging ang presidente ay hindi nakaaangat sa batas.


Sa desisyon, sinabi ng Supreme Court na nalabag ang karapatan sa ilalim ng saligang batas ni Trillanes sa proseso nang bawiin nang walang paunang abiso ang amnestiya na matagal nang naisapinal

Dagdag pa rito, ang Proclamation 572 na nagsulong na buhayin ang mga kaso laban sa dating senador na nauna nang na-dismiss ay lumabag sa constitutional right ni Trillanes laban sa double jeopardy at ex post facto laws

Sinabi pa ng Korte Suprema na may patunay rin na naghain ng kanyang aplikasyon para sa amnestiya si Trillanes.

Facebook Comments