Promo Girl ng isang Mall, Huli sa Bentahan ng Illegal na Droga

Cauayan City, Isabela- Arestado sa pagbebenta umano ng iligal na droga ang isang promo girl sa isang mall sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy Plaridel, Santiago City kahapon, Agosto 8.

Batay sa ulat ng Santiago City Police Station, kinilala ang suspek na si April Turingan, 30-anyos, at residente ng Purok 4, Brgy. Calaocan sa naturang lungsod.

Pinagsanib na pwersa ng Santiago City Police Station 2, City Intelligence Unit SCPO at 3rd Platoon CMFC katuwang ang PDEA RO2 na nagsagawa ng anti-illegal operation laban sa suspek.


Nakumpiska sa suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu, P500 peso-bill at P1,000 na buy-bust money.

Nahaharap si Turingan sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments