PROMOTED | Mahigit 16,000 PCO at non-Commissioned Officers, tumaas ang ranggo

Manila, Philippines – Aabot sa labing anim na libo at walong raan apatnapung mga Police Commissioned Officer at Police Non- Commission Officer ang tumaas ang ranggo.

Batay sa datos ng PNP, 1, 282 sa bilang na ito ay mga Police Commissioned Officer habang 15, 558 ay mga Police Non-Commissioned Officer.

1,411 ay nanumpa kanina umaga kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na mga nakatalaga sa National Capital Capital Region.


Ang mga na-promote ay regular na promosyon sa PNP.

Epektibo ang promosyon ng mga may ranggong police superintendent sa petsa na inaprubahan ito ni PNP Chief Albayalde, habang July 31, 2018 naman naging epektibo ang promosyon ng mga may ranggong PO2 hanggang Police Chief Inspector.

Sa National Headquarters naman ng PNP, kabuuang 230 mga police officers ang na-promote ito ay kinabibilangan ng 34 na PCO at 196 na mga PNCO na kasama rin sa nanumpa kaninang umaga kay PNP Chief Albayalde.

Facebook Comments