PROMOTION | DOT, balak muling mag-bid para gawin ang Miss Universe sa Pilipinas pagkatapos ng rehabilitasyon ng Boracay

Manila, Philippines – Plano muli ng Department of Tourism (DOT) na mag-bid para sa pagho-host ng Miss Universe pageant sa susunod na taon.

Sa podcast interview ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson kay Tourism Secretary Wanda Teo, paraan muli ito na mai-promote ang Boracay pagkatapos ng gagawing rehabilitasyon dito.

Sinabi ni Teo, galing mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahi.


Gusto aniya ng Pangulo na gawin ang Miss Universe sa Boracay.

Magugunitang nag-host ang Pilipinas ng nasabing pageant noong nakaraang taon kung saan nai-uwi ni Miss France Iris Mittenaere ang korona.

Facebook Comments