PROMOTION NG GOOD NUTRITION SA LUNGSOD NG ALAMINOS, SINIMULAN NA

Nagsimula na ang pag promote ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City sa mga Barangay Nutrition Scholar, Barangay Service Population Officer at Barangay Health Workers ng lungsod ng Good Nutrition and Infant and Young Child Feeding Training for Barangay implementers.
Apat na araw ang nakalaang panahon para sa pag promote ng programang ito sa lungsod na naglalayon na mapaigting ang mga Community Health Volunteers sa pagbibigay nila ng epektibong serbisyo pagdating sa kalusugan at nutrisyon lalo sa mga batang kababayan nila.
Ang programang ito ay inisyatiba ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City sa ilalim ng Health Office-Nutrition Section at ilang kawani sa lokal na pangkalusugan ng lungsod. |ifmnews

Facebook Comments