Promotion Ng Ph Sa Middle East, Dapat Paigtingin

3

MANILA – Hinihimok ng Tourism sector ang Department of Tourism na paigtingin pa ang panliligaw sa mga turista mula sa Gitnang Silangan.Ayon kay Tourism leader at dating Philippine Consul General Bobby Joseph, ang mga turista mula sa Middle East ay galante kapag nagbabakasyon kaya dapat pang i-promote ng DOT ang Pilipinas sa Gulf countries.Tinukoy din ni Joseph ang mga turista mula sa Qatar na aniya’y malaki kung gumastos kapag nagto-tour.Ang pahayag ng Tourism leader ay kasunod ng pagbubukas ng Philippine Airlines ng flight patungo ng Doha, Qatar.

Facebook Comments