PROPER HYGIENE NG MGA BATANG MAG-AARAL SA SAN NICOLAS, ISINUSULONG SA BAGONG HANDWASHING FACILITY

Isinusulong sa bagong handwashing facility sa Sampaguita Child Development Center sa San Nicolas, ang wastong paghuhugas ng kamay upang makaiwas sa anumang sakit.

Ang pasilidad na may sukat na siyam na metro kwadrado ay may bubong upang hikayatin ang mga mag-aaral na maghugas ng kamay umulan man o umaraw, pagkatapos maglaro o bago kumain.

Kabilang sa Development Fund 2025 ang naturang proyekto na may layuning tulungan ang mga bata na maisagawa nang maayos ang tamang hygiene practices, anuman ang kondisyon ng panahon.

Sa kasalukuyan, may 18 mag-aaral Child Development Center na direktang makikinabang sa naturang proyekto.

Binigyang-diin na susi ang paghuhugas ng kamay bilang pinakasimple ngunit pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Facebook Comments