Proposal ng isang lalaki sa kanyang girlfriend sa Kansas, naging “epic fail”

Kansas City – Matagumpay na sana ang proposal ng isang lalaki sa kanyang girlfriend sa Kansas City ngunit naging “epic fail” pa ito.

Trending kasi sa social media ang proposal na ginawa ni Seth Dxon sa girlfriend na si Ruth Salas kung saan isusuot na sana nito ang diamond ring sa kaliwang daliri ng kasintahan ngunit nahulog ito sa wooden bridge na kinatatayuan nilang dalawa na isang fish pond garden.

Nabatid na ang singsing ay nagkakahalaga ng $3,000 o 153 thousand pesos.


Kitang-kita sa mukha ni Seth ang panghihinayang sa singsing ngunit kahit nahulog ito sa fishpond ay napa-oo niya pa rin ang girlfriend at pumayag rin itong magpakasal.

Facebook Comments