Proposed 2019 budget, inaasahang mararatipikahan ng Kongreso ngayong araw

Manila, Philippines – Inaasahang mararatipikahan na ng Kamara at Senado ang proposed ₱3.757 trillion national budget para sa taong ito.

Ayon kay House Appropriations Committee Chairperson, Camarines Sur Representative Rolando Andaya Jr. – nagpakita na ng kahandaan ang mga lider ng Kongreso na pirmahan ang budget measure.

Sinabi naman ni Senate Finance Committee Chairperson Loren Legarda na nakatakdang pirmahan ang bicameral report hinggil sa 2019 General Appropriations Bill (GAB) sa alas-9:00 ng umaga ngayong araw at mararatipikahan ng alas-3:00 ng hapon.


Sa ngayon, ginagamit ng gobyerno ang reenacted budget matapos maantala ang pagsasabatas ng 2019 budget dahil sa mga alegasyon ng ‘insertions’.

Facebook Comments