Proposed 2019 budget, sisikaping maipasa sa Bicam at maratipikahan ng dalawang kapulungan ngayong linggo

Manila, Philippines – May pag-asa pa na maipasa ngayong linggo ang proposed 2019 budget na nananatiling nakabinbin sa Bicameral Conference Committee o Bicam dahil sa isyu ng pork barrel at mga insertions.

Ayon kay Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda, napagkasunduan nila ni House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya na sikaping maipasa sa bicam ang budget ngayong Miyerkules.

Sabi ni Legarda, kapag natupad ito ay magkakaroon ng pagkakataon ang Senado at kamara na ratipikahan sa huling araw ng session sa Biyernes ang proposed budget.


Sa ganitong sitwasyon ay maiiwasan na maging reenacted ang budget na gagamitin ngayong buong taon.

Facebook Comments