Proposed 2020 budget, hindi maantala sa Senado

Manila, Philippines – Tiniyak ni Finance Committee chairman Senator Sonny Angara na ginagawa ng Senado ang lahat para hindi maantala ang pambansang budget para sa taong 2020.

Sa katunayan ay sinabi ni Angara, na malapit na silang matapos sa pag-repaso at pag-review ng budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Angara, mabilis sila dahil sa dinamihang mga subcommittees na nagsasagawa ng budget hearings mula Lunes hanggang Biyernes sa mga pondo para sa mga ahensya at tanggapan ng pamahalaan.


Sa kabila ng pagmamadali ay sinigurado ni Angara na hindi nasasakripisyo ang masusi o mahigpit nilang pagsusuri sa pambansang budget.

Diin ni Angara, target ng Senado na mailatag na sa plenaryo ang proposed 2020 budget sa pagbabalik ng session sa unang linggo ng Nobyembre  matapos ang nakatakdang adjournment ng session simula October 5.

Facebook Comments