Proposed 2020 budget ng CHED, lusot na sa Senado

Inaprubahan na ng senado ang 2020 proposed budget para sa Commission on Higher Education o CHED at mga State Universities and Colleges o SUCs.

Mahigit 51.3-billion pesos ang inaprubahang budget ng ched habang mahigit 67.3 billion pesos naman para sa SUCs.

Sa budget deliberations ay kinuwestyon ni senator ping lacson ang mahigit 8.5 billion pesos na lump sum fund na ipinabibigay ng malakanyang sa teriary education scholarship program.


Ayon kay Lacson, baka humantong lang ito sa tulong dunong program na umano ay nagagamit ng ilang konggresista para magpabida sa pamamagitan ng pag-aalok ng scholarship.

Bunsod nito ay nagkasundo ang mga Senador na ilipat ang nasabing salapi sa Universal Access to Quality Tertiary Education Program na pinaglaanan sa susunod na taon ng halos 43.8 billion pesos.

Sa nasabing scholarship program ng Gobyerno ay halos 400,000 ang nakikinabang sa ngayon.

Facebook Comments