Sa loob ng sampung minuto ay agad inaprubahan ng Senate Finance Sub Committee ang P14.46 billion na panukalang budget ng Commission on Audit o COA sa 2022 na mas mataas ng 2.74 % sa budget nila ngayon taon.
Sa kanyang budget presentation, ay hunirit naman si COA Chairperson Michael Aguinaldo ng dagdag budget para sa kanilang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), at Capital Outlay para sa pagpapagawa ng mga karagdagang provincial satellite auditing offices.
Pinuri naman ni Committee on Finance Chairman Senator Sonny Angara, ang mahusay na pamumuno ni COA Aguinaldo na walang kontrobersiya kaya tiyak na maraming senador ang susuporta sa budget nito.
Napakabilis ding inaprubahan ng Senate committee on finance ang mahigit 3.9 billion pesos na proposed 2022 budget ng Office of the Ombudsman sa 2022 na mababa ng 20.9 percent sa budget nito ngayon taon na mahigit 4.6 billion pesos.
Kaya ang hirit ni Ombudsman Samuel Martirez, itaas ito o kahit ipantay na lang sa budget ngayong taon.
Hiling din ni Martirez na ibalik ang kinaltas ng Department of Budget and Management na 814 million pesos na kanilang pansweldo.
Nakapaloob sa budget ng Ombudsman ang 51.49 million pesos na confidental fund at 1.19 billion pesos para sa pagkuha ng mga bagong kawani.