“On track” pa rin ang Kamara sa iskedyul at target nitong pagpasa sa panukalang ₱5.268 trillion sa 2023 National Budget ngayong September o bago ang October 1, 2022.
Ayon kay House Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson Stella Quimbo ngayon ay nasa 15 na mula sa 34 na ahensya ng pamahalaan ang sumalang na sa budget briefings.
Sa schedule ng Kamara ay dalawang linggo lamang o hanggang September 16 aniya ang inaasahang itatakbo ng budget briefing sa committee level.
Sabi ni Quimbo, September 21 ay i-aakyat na sa plenaryo ng Kamara ang 2023 General Appropriations Bill (GAB) para isalang sa deliberasyon at debate at para pagtibayin.
Binanggit naman nina Ako Bicol Party-list Representative Elizady Co at Majority Leader at Zamboanga Representative Manuel Jose Dalipe, aaprubahan nila sa September 30 ang panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.