Iginiit ni House Speaker Martin Romualdez na kailangan ng komprehensibong assessment sa lawak ng naging pinsala sa iba’t ibang panig ng bansa ng Bagyong Paeng.
Sabi ni Romualdez, para ito sa posibleng adjustment na gawin ng Kongreso sa proposed 2023 national budget para matugunan ang pangangailangan ng mga lugar na tinamaan ng kalamidad.
Kaugnay nito ay inatasan ni Romualdez si Committee on Appropriations Chairman Ako Bicol Party-list Rep. Rizaldy Co, na kunin ang damage assessment report mula sa mga kongresista.
Ito ay para maging gabay sa paglalan ng budget sa rehabilitasyon ng mga sinalantang lugar ng Bagyong Paeng.
Naipasa na ng Kamara ang 2023 General Appropriations Bill sa Senado.
Sa ngayon ay puspusan ang relief drive na isinasagawa ng Kamara para sa mga biktima ng Bagyong Paeng.