Proposed 2024 budget ng DOH, binubusisi ngayon ng House Committee on Appropriations

Courtesy: House of Representatives

Nakasalang ngayon sa pagbusisi ng House Committee on Appriopriations ang ₱204.3 billion na panukalang pondo para sa Department of Health o DOH sa susunod na taon na mas mababa ng 3 porsyento sa budget nito ngayong taon.

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, nakatutok ngayon ang DOH sa pagkamit ng 8-point action agenda nito na may temang “Healthy Pilipinas, bawat buhay mahalaga!”

Target nito na mabigyan ang bawat Pilipino, bawat komunidad at bawat health woker at institusyon ng ligtas, dekalidad, at mapagkalingang serbisyo sa pamamagitan ng pagpapatatag sa ating health care system at paggamit din ng kailangang teknolohiya.


Ayon kay Herbosa, pinagsisikapan ng DOH na maging handa tayo sa krisis, makaiwas sa mga sakit at magkaroon ng proteksyon laban sa pandemya.

This slideshow requires JavaScript.

 

Binanggit ni Herbosa na kabilang sa mga pangunahing tinututukan ng DOH ay ang operasyon ng mga pinamamahalaan nitong ospital, health facilities enhancement fund, medicial assistance sa maralitang pasyente, kompensasyon at benepisyo ng mga healthcare worker at national workforce system.

Kasama ring binanggit ni Herbosa ang family health, immunization, nutrition and responsible parenting, pagpigil at pagkontrol sa mga nakakahawang at hindi nakakahawang sakit, pangangasiwa sa kalusugan ng publiko, at health promotion.

Facebook Comments