Proposed 2024 national budget, isinumite na ng DBM sa Kamara

Naisumite na ngayon ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ang P5.768 trillion na panukalang pambansang pondo para susunod na taon o ang 2024 National Expenditure Program.

Pinangunahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang pagsusumite ng panukalang pambansang pondo kay House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Pangandaman, ang budget para sa susunod na taon ay nakasandig sa 8-point socioeconomic agenda ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Tiniyak naman ni Speaker Romualdez na kanilang pag-aaralang mabuti ang proposed budget, idadaan sa masusing pagtalakay at deliberasyon at aaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa bago magbreak ang kanilang session sa Oktubre.

Siniguro din ni Romualdez na hindi masisingitan ng pork barrel ang ipapasa nilang pambansa pondo para sa susunod na taon.

Facebook Comments