Hindi sapat para kay Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang 211.3 billion pesos na panukalang pondo para sa sektor ng agrikultura sa susunod na taon.
Sa budget hearing ng House Committee on Appropriations ay binigyang diin ni Laurel na maraming interventions ang kailangang gawin para matugunan ang mga hamon na siyang nagpapahina sa produksyon at nakakaapekto sa kita ng mga mangingisda at magsasaka.
Sa presentation ng DA ay lumabas na ang sektor ng agrikultura ay napag-iwanan sa patuloy na pag-unlad ng ating ekonomiya at nakakalungkot na ang mga magsasaka at mangingisda ay nanatili rin sa pinakamahihirap sa bansa.
Ang dahilan nito ay ang sangkaterbang hamon na kinakaharap ng sektor ng agrikultura tulad ng global crisis, pandemic, gera sa ibang panig ng mundo, political unrest, problema sa supply chain at water resources, inflation, mababang soil fertility, mga peste at iba pa.