Proposed BBL Multi- Sectoral Forum gagawin sa Cotabato City

Lalahukan ng mga mga opisyales mula kongreso , senado at ibat ibang sektor ang gagawing discussion kaugnay sa proposed Bangsamoro Basic Law , bukas June 18 , sa NDU Cotabato City.

Sa impormayong ipinarating sa DXMY mula kay Kai Matalam ng OPAPP, magsisimula ang aktibidad alas otso y media at gagawin ito sa NDU GYM.

Inaasahang dadalo sa aktibidad ang mga opisyales mula OPAPP, BTC, MILF, CSOs, Religious Sector, Tri People, AFP, PNP MNLF , academe, Traditional leaders, business sector, youth sector, , diplomatic corps, international partners, ARMM LGUs at North Cotabato LGUs,
Sinasabing lalahok rin sina Rep. Bai Sandra Sema, Rep. Acharon, Rep. Sahali, Rep. Papandaya, Rep. Palma, Rep Sangcopan, Sen. Migs Zubiri, Sen. Sonny Angara, Sen. Risa Hontiveros, at Sen. Win Gatchalian .


Facebook Comments