PROPOSED LAND AREA NA PAGTATAYUAN NG IBA’T IBANG PROYEKTO SA BAYAN NG BALUNGAO, ININSPEKSYON; SERBISYONG PANGKALUSUGAN HATID SA MGA RESIDENTE

Matagumpay na isinagawa ang pag-inspeksyon at pagbisita sa pagtatayuan ng iba’t ibang proyekto sa bayan ng Balungao.
Pinangunahan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Balungao kasama ang Department of Environment and Natural Resources at ang Municipal Agriculture Office ang naturang inspeksyon sa proposed land area positioning ng iba’t-ibang proyekto para sa Balungao Convergence Project.
Ilan lamang sa mga proyekto ang nakatakdang ipapatayo ay ang Gatasang Kalabaw, Rice Processing Center, Coffee at Vanilla Production, at marami pang iba.

Samantala, matagumpay ding isinagawa ang libreng check-up at konsultasyon sa mata ng mga residenteng nangangailangan ng serbisyong ito kung saan nasa 300 na mga Senior Citizens ang nahatiran at sumailalim sa naturang serbisyo. |ifmnews
Facebook Comments