Proposed Procurement Act ng pamahalaan, pinuri ng DBM

Ipinagmalaki ng Department of Budget and Management (DBM) na ang strategic procurement planning section ng House Bill No. 9648, o ang proposed new Government Procurement Reform Act (GPRA) ay makakasiguro ng mas mababang environmental risks at magpapabilis sa climate action ng bansa.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, sisimulan nila ang Green Public Procurement (GPP) na naglalayon na mabawasan ang negative environmental impacts, mai-promote ang social responsibility, at masuportahan ang long-term economic sustainability.

Aniya, ito ang isa sa mga adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan nais nitong isulong ang pagsasagawa ng mga procurement law upamg maging transformative at napapanahon ang government procurement process.


Nabatid na base sa Article IV, Section 21 ng naturang panukalang batas, sa planning stage pa lamang ay dapat matiyak na ng procuring entity na ang kanilang proyekto ay may minimal, economic, social, at environmental risks o negative impacts sa kabuuan nito.

Titiyakin din ni Pangandaman na aaksyunan nila ang tamang procurement planning na nagreresulta sa gross inefficiency dahil sa failed biddings at poorly crafted technical specifications.

Matatandaan na aprubado na sa huli at ikatlong pagbasa ang House Bill 9648 nitong December 12, 2023.

Facebook Comments