Prosecution Integrity Board ng DOJ, malapit nang maplantsa

Isinasapinal na ng Department of Justice (DOJ) ang binubuo nilang Prosecution Integrity Board.

Pangunahing layunin nito na matiyak na hindi gawa-gawa lamang ang mga kasong isinasampa laban sa mga dayuhan na nakakulong sa bansa.

Ipinaliwanag ng DOJ na marami kasi silang natuklasan na iligal na sistema ng mga nakakulong na mga dayuhan sa bansa


Kabilang aniya rito ang pagsasampa ng mga inimbentong kaso para hindi ma-deport ang mga bilanggong dayuhan.

Sa umiiral kasing batas sa Pilipinas, hindi maaaring i-deport ang sinumang foreigner kapag siya ay may kinakaharap na kaso sa korte.

Facebook Comments