Ipapaubaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Office of the Ombudsman na usigin ang mga pulis na nasasangkot sa ilegal na droga.
Ayon sa Pangulo, habang magpapataw ng Administrative Sanctions ang Dept. of Interior and Local Government (DILG) sa mga ninja cops o mga pulis na nagre-recycle ng droga, ang kriminal na aspeto ay dapat ipursige ng Ombudsman.
Paliwanag pa ng Pangulo, hindi niya maaaring i-adopt ang report ng Senate Blue Ribbon Committee dahil hiwalay na sangay ang Senado.
Nabatid na ang mga alegasyon sa ninja cops ang nagpwersa kay dating PNP Chief Oscar Albayalde na magbitiw ilang Linggo bago ang kanyang retirement sa November 8.
Facebook Comments