Hiniling ng prosecutor ng International Criminal Court (ICC) sa kanilang kapulungan na muling ipagpatuloy ang imbestigasyon sa war on drugs sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong President Rodrigo Duterte.
Sa 53 pahinang resolusyon, binigyang-diin ni ICC Prosecutor Karim Khan na hindi nagkaroon ng maayos na imbestigasyon ang pamahalaan sa mga serye ng patayan na may kaugnayan sa anti-drug campaign.
Nobyembre ng 2021 nang pansamantalang suspendehin ng ICC Office of the Prosecutor ang kanilang imbestigasyon sa umano’y crimes against humanity sa bansa matapos hilingin ng gobyerno na ihinto muna ito dahil sa isinasagawang imbestigasyon ng national government.
Pero giit ni Khan, hindi na maaaring ipagpaliban pa ang imbestigasyon ng ICC lalo na’t batay aniya sa report kamakailan ng Commission on Human Rights hinggil sa mga drug-related killings noong 2016 hanggang 2021 ay nabigo ang gobyerno na protektahan ang karapatan ng mga biktima.