Prosecutor Richard Anthony Fadullon, itinalagang bagong prosector general ng NPS

Opisyal nang nagtalaga si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng bagong prosecutor general ng National Prosecution Service o NPS na nasa ilalim ng Department of Justice o DOJ.

Ito’y sa katauhan ni Prosecutor Richard Anthony Fadullon.

Sa liham ni Exec. Sec. Lucas Bersamin kay Justice Sec. Boying Remulla na may petsang October 30, 2024, ipinagbibigay-alam nito sa kalihim ang appointment ni Fadullon.


Papalitan ni Fadullon si dating Prosecutor General Benedicto Malcontento na nagbitiw sa puwesto noong nakaraang buwan matapos nitong nagpasya na humakbang patungo sa bagong direksyon makaraan ang limang taong panunungkulan sa NPS-DOJ.

Facebook Comments