Sinimulan na ang trial proper ng korte sa kasong cyberlibel laban kay Rappler CEO Maria Ressa.
May kaugnayan ito sa artikulong lumabas sa Rappler noong 2012 na isinulat ng dati nitong reporter na si Reynaldo Santos na sinasabing ipinagamit ng negosyanteng si Wilfredo Keng ang kanyang sasakyan kay dating Chief Justice Renato Corona.
Kabilang sa sumalang sa pagdinig kanina sa sala ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Manila RTC Branch 46 ang testigo ng prosekusyon na si Marcelino Malonzo- dating branch manager ng isang bangko sa Port Area, Maynila kung saan kinumpirma niya na nabasa niya ang mapanirang artikulo ng Rappler.
Sumalang din sa hearing si NBI special agent Christopher Paz kung saan kinumpirma niya na authentic ang lumabas na sa artikulo ng Rappler laban kay Keng.
5 iba pang testigo ang ihaharap ng prosekusyon sa mga susunod na pagdinig kabilang dito si dating NBI Cybercrime Division Chief Manuel Eduarte.
Itinakda ng korte ang susunod na hearing sa July 30 dakong alas otso y medya ng umaga.