Prosekusyon sa kaso ni FPRRD sa ICC, nakapagsumite na ng unang set ng mga ebidensya

COURTESY: ICC/YouTube

Nakapaglatag na ng kanilang paunang mga ebidensya sa International Criminal Court (ICC) ang prosekusyon sa kasong crimes against humanity ni dating Pangulong Duterte.

Ang naturang tatlong pahinang mga dokumento ay naka-upload na rin sa website ng ICC.

Natanggap na rin ng mga abogado ng dating Pangulo ang kopya ng paunang mga ebidensya ng prosekusyon.


Ang mga dokumento ay kinabibilangan ng nilalaman ng mga detalye sa pag-aresto sa dating Pangulo habang mayroon ding annex na naglalaman ng confidential na mga ebidensya.

Una na ring inihayag ni Vice President Sara Duterte na madalas siyang tanungin ng dating pangulo ng hinggil sa timeline ng mga proseso sa kaso.

Patuloy rin na kinukumpleto ang bilang ng legal team ng dating pangulo kabilang na ang nagpapatuloy na screening sa Pilipinong abogado na tutulong sa kaso ni dating Pangulong Duterte.

Facebook Comments