Umaasa si House Secretary General Mark Llandro Mendoza na magiging mabilis ang proseso ng canvassing para sa mga kandidato sa pangulo at pangalawang pangulo.
Ayon kay Mendoza, noong 2019 Presidential Election ay umabot lamang ng lima hanggang pitong araw ang canvassing ng Kongreso para sa presidente at bise presidente.
Agad ding naiproklama noon sa plenaryo ang mga bagong pinuno ng bansa.
Dahil dito, umaasa si Mendoza na ganito rin magiging kabilis ang proseso sa bilangan ng boto sa mga pinakamatataas na lider ng bansa matapos ang mga pagsasanay na unang isinagawa sa Kamara para sa canvassing.
Sa Lunes, Mayo 9 ay idaraos ang initialization sa paggamit ng Consolidation and Canvassing System (CCS) na gagamitin ng National Board of Canvassers (NBOC-Congress) sa pagbibilang ng boto.
Sa Mayo 23 naman isasagawa ang opisyal na canvassing para sa presidential at vice presidential candidates.