Proseso ng deportation kay suspended Bamban Mayor Alice Guo, matatagalan pa

Hindi ang pagkawala ng Filipino citizenship ang makakapagpa-deport kay suspended Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ang sinabi ni Justice Undersecretary Raul Vasquez matapos irekomenda ng Philippine Statistics Authority na kanselahin na ang birth certificate ni Guo.

Ayon kay Usec. Vasquez, tanging ang korte ang makakapagdesisyon dito sa pamamagitan ng quo warranto.


Bago niyan, sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na mapapabilis ang paghahain ng quo warranto case laban kay Guo matapos ang resulta ng National Bureau of Investigation kung saan iisa ang fingerprint ng suspendidong alkalde at ni Guo Hua Ping.

Samantala, sinabi ng DOJ na wala pa ngayong schedule sa hearing ng kaso ni guo kaugnay sa qualified trafficking na inihain ng PAOCC.

Sa ngayon wala pang schedule sa hearing ng kaso ni Guo kaugnay sa qualified trafficking.

Facebook Comments