Friday, January 23, 2026

Proseso ng impeachment laban kay PBBM, hindi haharangin ni House Majority Leader Sandro Marcos

Tiniyak ni House Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na hindi nya haharangin ang proseso kaugnay sa impeachment complaint na inihain laban sa kanyang ama na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Paliwanag ni Marcos, batay sa saligang batas ay tungkulin ng House of Representative na dinggin ang impeachment complaint laban sa sinumang impeachable officials.

Bunsod nito ay binigyang-diin ni Marcos na kailangan nyang gampanan ang kanyang mandato at tungkulin bilang majority leader at sumunod sa atas ng konstitusyon.

Kaya naman ayon kay Marcos, dapat masunod ang proseso kung saan hindi nya maaring pigilan o harangin ang anumang reklamong impeachment na mai-refer sa plenaryo o sa Committee on Justice.

Buo naman ang paniniwala ni Representative Marcos na walang ginawang mali si PBBM.

Facebook Comments