Proseso ng importasyon ng mga sasakyan ni dating Rep. Zaldy Co, sisilipin ng BOC

Hindi na titingnan ng Bureau of Customs (BOC) kung dati nang mayaman si dating Cong. Zaldy Co bago pa man ito naging kongresista.

Ayon kay Customs Spokesperson Atty. Chris Noel Bendijo, ang tututukan nila ngayon ay ang proseso ng pag-import ni Co ng kanyang luxury vehicles.

Samantala, inihayag naman ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) special adviser Rodolfo Azurin Jr. na sisilipin ng ICI kung saan kumuha ng pera ang mga kompanya ni Co nang ipinambili nito ng mga mamahahaling sasakyan.

Inihayag din ni Azurin na kailangan nila ng tulong ng mga Pilipino para mahanap ang iba pang luxury vehicles ni Co, matapos na makita sa tauhan ni Co ang 34 na mga susi ng sasakyan.

Facebook Comments