Posibleng abutin lamang ng hanggang tatlong araw ang proseso ng pag-apruba sa saliva test kits ng Philippine Red Cross (PRC).
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, mas mabilis ito kumpara sa ibang mga pinag-aaralang gamot at bakuna.
Sa ngayon, wala pang aplikasyon ang PRC para rito.
Pero matatandaang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng ngayong araw ilabas ng PRC ang resulta ng kanilang pilot study sa saliva testing at maaari na silang magsumite ng aplikasyon sa FDA.
Ayon pa sa DOH, kasama ang FDA Laboratory Expert Panel at Health Technology Assessment Council (HTAC) sa susuri sa resulta ng pag-aaral ng PRC.
Facebook Comments