Nilagdaan na bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang magpapadali ng proseso ng pag-aampon ng mga bata sa bansa.
Batay sa Republic Act number 11222 o simulated birth rectification act ay mabibigyan ng amnesty ang mga nagmanipula ng birth records ng isang bata kung ginwa naman ito sa kanyang kapanganakan at kung itinuturing din itong tunay na anak ng kumupkop sa kanya.
Base din sa batas ay sa loob ng 10 taon ay kailangang maghain ng pormal na petition for adoption at application for rectification of simulated birth record sa Department of Social Welfare and Development o DSWD para isalegal ang pagaampon.
Kailangan lang mapatunayan ng aplikante ay isa itong pilipino na nasa legal na edad at mayroong kakayahan na mag-alaga ng bata.
Pabibilisin din nito ang adoption process kung saan ay inaatasan ng batas ang DSWD na tapusin ng tatlong buwan ang proseso.
bubuo naman ang DSWD, Philippine Statistics Authority, DILG, DOJ at iba pang ahensya ng gobyerno ng implementing rules and regulations.