Sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang proseso upang ideklara si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr., bilang terorista.
Kahapon nang makipagpulong ang kalihim sa Anti-Terrorism Council (ACT).
Ipinaliwanag niya rito kung bakit dapat na ideklarang terorista sa Teves.
Aniya, ang pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa sa mismong tirahan nito sa probinsya ay maituturing na terorismo.
Samantala, bumuo na rin daw sila ng technical working group na magrerekomenda ng aksyon ng ATC hinggil sa pagdedeklara kay Teves bilang mga terorista.
Balak ding isama ng DOJ sa listahan ang tatlo hanggang apat pa nitong tauhan kabilang na si Marvin Miranda na sinasabing nag-recruit ng assassination team.
Facebook Comments