Proseso ng pagha-hire ng mga guro, ipinaaayos ng isang senador

Tiniyak ni Basic Education Chairman Senator Sherwin Gatchalian na bubusisiin niya ang Department of Education (DepEd) sa pagsalang ng ahensya sa budget deliberation partikular ang tungkol sa mga unfilled positions o bakanteng posisyon sa hanay ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Batay sa datos ng Department of Budget and Management (DBM), mayroong mahigit 24,000 na unfilled teaching positions o kulang na mga guro.

Karamihan sa mga hindi napupunang posisyon ay entry-level positions tulad ng Teacher I, Special Science Teacher I, Special Education Teacher I, at Master Teacher I.


Pero lumalabas din na ang problema na kahit maraming bakanteng posisyon para sa mga guro ay inaabot naman ng anim na buwan ang pagproseso sa pag-hire ng Civil Service Commission (CSC) at DBM.

Muling iginiit ni Gatchalian na pabilisin ang pagproseso sa pag-hire ng mga guro sa bansa sabay giit na hindi katanggap-tanggap na may mga available na posisyon para sa mga guro at pinopondohan ito taon-taon ng Kongreso.

Facebook Comments