Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-aralang paikliin ang proseso sa pagkuha ng e-visa ng mga Indian national.
Sa pulong kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourism, sinabi ng pangulo na makakatulong sa pagpapalakas ng turismo sa bansa ang mabilis na pagproseso ng e-visa.
Nabatid na hanggang ngayon kasi ay kailangan pang personal na magpunta ng mga Indian national sa Embahada ng Pilipinas sa New Delhi para makakuha ng visa.
Samantala, inirekomenda rin sa pulo na magkaroon ng third party service provider na magpapatakbo sa e-Visa system.
Sa kasalukuyan ay nasa testing stage pa ang e-Visa system para sa Indian nationals na nagwo-walk in sa Embahada ng Pilipinas sa New Delhi.
Facebook Comments