Proseso ng pagkuha ng loan, pinasi-simple ang paraan

Iminungkahi ngayon ni Land Bank of the Philippines President Cecilia Borromeo na simplehan ang proseso ng pagpapautang sa ilalim ng mga lending programs ng pamahalaan.

Sa conference meeting ng Defeat COVID-19 Committee, sinabi ni Borromeo na luwagan muna ang measures o pamamaraan para sa regular loans ngayong nasa gitna ng krisis.

Hinimok din ni Borromeo ang mga regulatory entities na gawing madali ang proseso sa registration process at maaari aniyang maging katuwang dito ang LBP lalo na sa mga lending programs para sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).


Maaari din aniyang i-tap ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang LBP para sa subsidy program ng mga manggagawa at iba pang financial support ng pamahalaan.

Makakatulong din aniya ang LBP para sa pangangalaga ng special funds para sa loan ng Department of Agriculture (DA) sa mga benepisyaryong magsasaka.

Facebook Comments