Proseso ng pagpaparehistro ng mga LGUs para sa COVID-19 vaccine, pinamamadali ng DILG

55

Pinamamadali ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Local Government Units (LGUs) sa bansa kaugnay sa proseso ng pagpaparehistro para sa COVID-19 vaccine.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, maglalabas ang kagawaran ng memorandum para sa pagfast-track o pagpapabilis ng pagbabakuna ng mga lokal na pamahalaan.


Giit kasi ng kalihim, dapat madaliin ang paggawa ng masterlist ng mga mababakunahan at gawing simple ang mga impormasyon na kailangang ilagay sa registration.

Dahil kasi aniya sa dami ng mga tanong sa registration ay natatakot na ang mga mamamayan na magparehistro.

Facebook Comments