Manila, Philippines – Pinabibilis ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones ang re-survey at pagproseso ng titulo ng lupa sa mga lugar na sinasabing delayed at binalot ng iregularidad ang pamamahagi ng lupa.
Inaantay na lamang ng kalihim na mag-ulat ang binuo niyang task force na nagrerepaso sa mga reklamo ng mga magsasaka sa Pampanga at Tarlac.
Mino-monitor naman ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) ang trabaho ng task force para tiyakin na agaran ang magiging resolusyon sa mga usapin sa palupa.
Kabilang sa mga landholdings na balot ng problema ay ang Barangay Malonzo, Bamban, Tarlac; Barangay Concepcion, Tarlac; Barangay Gutad, Florida, Pampanga at Cabcom sa Clark, Pampanga.
Tiniyak ni Castriciones na determinado siya na tuparin ang kautusan ni Pangulong Duterte na resolbahin ang lahat ng land problems kahit ang mga naiwang problema mula sa nagdaang administrasyon.