Proseso Ng Pagsasauli Ng Bahagi Ng Perang Ninakaw Sa Bangladesh Central Bank, Sinimulan Na

5

MANILA -Sinimulan na ang proseso ng pagsasauli ng bahagi ng perang ninakaw ng mga hackers sa Bangladesh Central Bank.Pero nakatakdang munang magsagawa ng summary hearing sa May 2 si Judge Reynaldo Alhambra ng Manila Regional Trial Court bago tuluyang maisoli ang pera.Sa ilalim ng petisyon, nais ng Anti-Money Laundering Council na ilagay sa asset preservation ang mga perang nakapangalan kay Kim Wong sa kumpanyang East Hawaii Leisure Co., Centurytex Trading, RCBC at PNB para hindi na mailipat pa ang kuwestyunableng pera.Una nang nagsoli ng pera si Wong na nasa pangangalaga ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Facebook Comments