Plano ngayon ng Land Transportation Office (LTO) na simplehan ang mga proseso sa ahensya upang hindi makaporma ang mga fixer.
Matapos mapuna ni LTO chief Jay Art Tugade na inaabot ng mahigit isang oras ang kasalukuyang pagsusulit para sa student driver permit, iniutos nito ang pagbuo ng komite na susuri sa hanay ng mga tanong at kung maaari ay mapaigsi ito nang hindi nakokompromiso ang kalidad ng drayber na makakapasa.
Kabilang sa balak na ipairal ng LTO ay ang online driver’s license application, online payments, at online plain renewal ng mga pribadong sasakyan sa pamamagita ng Land Transportation Management System (LTMS).
Maliban dito, pinalitan na rin ng LTO ang manual ticketing system nito at nagsimula nang magpagamit ng mga law enforcement mobile handheld device para sa electronic temporary operator’s permit (e-TOP) na ibinibigay sa mga may paglabag sa batas-trapiko.