Proseso ng patukoy sa mga Internally Displaced Person na makakatanggap ng transitional houses sa Marawi City, gumugulong na

Marawi City – Tiniyak ni Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra na walang magiging palakasan system sa paggawad ng mga Transitional Houses para sa mga bakwit ng Marawi.

Ayon Gandamra sa ngayon ay may binuo nang Technical Working Group na magsasagawa ng profiling at mapping benepisyaryo ng higit isang libong shelters.

Paliwanag ng alkalde ipaprayoridad umano nila ang mga less fortunate IDP’s na walang mababalikang bahay at ang mga hindi kayang umupa ng sariling bahay.


Pinangungunahan aniya ng mga barangay officials ang profiling pero bibigyan rin ng pagkakataon ang iba pang sektor, kabilang ang mga miyembro ng komunidad na tukuyin ang mga karapat dapat maunang mabigyan ng pabahay.

Facebook Comments