
Sisimulan na sa lalong madaling panahon ng House Committee on Justice ang proseso para sa dalawang verified impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ang unang reklamo ay inihain ni Atty. Andre de Jesus na inendorso ni Pusong Pinoy Party-list Representative Jernie Jett Nisay at ang ikalawang reklamo naman ay inihain ng mga progresibong grupo at inendorso ng Makabayan Bloc.
Ayon sa chairman ng komite na si Batangas Representative Gerville Luistro, una nilang gagawin ang pag-consolidate o pagsamahin ang dalawang magkahiwalay na reklamong impeachment laban kay PBBM.
Sabi ni Luistro, masusundan ito ng kanilang pagdetermina kung ang impeachment complaint ay sufficient in form and substance bago sila mag-imbita ng mga resource person at kanyang nilinaw na hindi nila oobligahin si PBBM na humarap sa mga pagdinig.
Binigyang diin naman ni Luistro na dahil nai-refer na sa House Committee on Justice ang mga reklamong impeachment ay iiral na ang one-year bar rule kung saan sa loob ng isang taon ay wala nang maaring maghain ng reklamo laban kay Pangulong Marcos Jr.










