Proseso para sa pagkakaloob ng executive clemency kay Mary Jane Veloso, dapat pagkatiwalaan sa halip na madaliin

Kumbinsido si House Committee on Overseas Workers Affairs member at Bohol Representative Alexie Besas Tutor na maaring magkwalipika si Mary Jane Veloso para pagkalooban ng executive clemency.

Pero giit ni Tutor, dapat ay maingat na sundin ang proseso nito sa halip na madaliin upang maiwasan ang anumang pagkakamali.

Panawagan ni Tutor magtiwala sa Department of Justice (DOJ) at sa nakalatag na executive clemency processes.


Diin pa ni Tutor, alam ng DOJ ang dapat gawin dahil binubuo ito ng mga mahuhusay na indibidwal sa pangunguna ni Secretary Crispin Remulla.

Naniniwala si Tutor na maaring daan para mabigyan ng executive clemency si Veloso ang “commutation of sentence for time served kung saan ikokonsidera ang mahabang panahon na ito ay nakulong para sa naging paglabag sa batas ng Indonesia.

Facebook Comments