Proseso sa benepisyo ng mga dependents ng mga nasawing pulis, pinasisimple ni Pangulong Duterte

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na ihinto ang pagre-require sa mga dependents ng mga namatay na pulis na magtungo sa Camp Crame para iproseso ang kanilang benepisyo.

Sa kanyang Talk to the People Address, iginiit ni Pangulong Duterte na hindi dapat pinapahirapan pa ang mga dependents lalo na kung ang kanilang kaanak na pulis ay namatay habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Dapat din aniyang magpakita ng compassion sa pamilya ng namatayan.


Dagdag pa ng Pangulo, may kakayahan ang PNP sa regional level na iproseso ang mga benepisyo kahit hindi na kailangang magtungo ng mga dependents sa National Headquarters.

Trabaho ng mga station commanders na abisuhan ang Camp Crame kung may namatay na police officer.

Nakakahiya aniya na marinig na may ilang dependents na nahihirapang makuha ang benepisyo.

Maaari lamang tawagin ng regional PNP ang mga dependents kapag handa na itong ibigay sa kanila.

Facebook Comments