Naglabas ng guidelines ang Department of Justice (DOJ) para sa proseso ng pagkuha ng claims ng mga naiwang pamilya ng yumaong prosecutors.
Sa Department Circular No. 038 ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nakasaad na maaari lamang maghain ng claims ang mga lehitimong asawa at anak ng qualified prosecutor na pumanaw.
Matapos makumpleto ay dito pa lamang ihahain ang kaso sa Personnel Division ng DOJ o anumang Regional, Provincial o City Prosecution Office na malapit sa tinitirhan ng benepisyaryo.
Sakaling maaprubahan, ieendorso na ito sa Government Service Insurance System (GSIS) at ibibigay sa kwalipikadong benepisyaryo kapag nailabas na ang pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Ayon kay Remulla, layon nitong matulungan ang naiwang pamilya ng prosecutor para hindi sila mahirapan sa pag-apply ng claims.
Kinilala naman ng kalihim ang trabaho ng prosecutors para maging maayos ang hustisya sa Pilipinas.
Sakaling masawi ang isang prosecutor matapos maging epektibo ang batas, matatanggap na ng naiwang pamilya ang mga nararapat na retirement benefits ng kanilang namayapang mahal sa buhay.