Proseso sa kanselasyon ng passport ni Cong. Arnolfo Teves Jr., sisimulan na sa susunod na linggo

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na sisimulan na sa susunod na linggo ang pagproseso sa kanselasyon ng passport ni Cong. Arnolfo Teves Jr.

 

Ngayong Biyernes kasi o di kaya ay sa Lunes, isasampa na ng DOJ sa korte ang kaso laban kay Teves kaugnay ng pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

 

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kailangang maisampa muna ang kaso laban kay Teves bago simulan ang pagproseso sa kanselasyon ng passport ng mambabatas.


 

Sinabi rin ni Remulla na ngayong binasura ng Timor-Leste ang kahilingang political asylum ni Teves, tiyak aniyang magpapalipat-lipat na lamang ito sa South Korea, Cambodia at sa Bangkok, Thailand.

 

Patuloy din aniya ang pag-usad ng proseso hinggil sa pagdedeklara sa mambabatas bilang terorista.

 

Idinagdag ng kalihim na maituturing na rin na pugante si Teves dahil sa kinakaharap nitong multiple murder complaints kaugnay ng pagpatay sa 4 na indibidwal noong 2019.

Facebook Comments