
Nag-isyu na ng special permit para sa Large Taxpayers Service ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa emergency importation ng petroleum products ng Philippine National Oil Company Exploration Corporation (PNOC EC).
Ang hakbang ay bahagi ng tugon ng gobyerno sa ilalim ng executive order na nagdedeklara ng state of national energy emergency at nag-aawtorisa sa unified package for livelihoods, industry, food, and transport.
Ginawa ito ng BIR matapos magpaabot ng impormasyon ang PNOC na agad nitong sisimulan ang pag-angkat ng mga produktong petrolyo bilang isang emergency measure.
Pinaghahandaan na rin ng BIR ang mga susunod pang pag-angkat ng krudo ng PNOC sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga kinakailangang dokumento para sa mas mabilis na proseso mula sa kanilang panig.
Ayon kay Commissioner Charlito Martin Mendoza, sa pamamagitan ng Large Taxpayers Service ay patuloy silang makikipag-ugnayan sa PNOC upang matiyak ang napapanahong pagproseso ng mga kinakailangan para sa kasalukuyan at hinaharap pang emergency fuel importations ng bansa.










