Proseso sa pag-iisyu ng PWD card, pinaparepaso ni Senator Angara

Ikinaalarma ni Senator Sonny Angara ang mga report ng pag-abuso sa Persons with Disabilities (PWD) card na inirereklamo ng iba’t ibang restaurants at mga establisyemento.

Bukod pa ito sa kumalat na larawan na nagpapakita na halos lahat ng miyembro ng isang pamilya ay may PWD cards.

Dahil dito ay inihain ni Angara ang Senate Resolution Number 445 na nagpapaimbestiga sa pagkalat ng mga pekeng PWD card.


Pinaparepaso rin ni Angara ang proseso sa pagkakaloob ng PWD card upang matiyak na hindi makakakuha nito ang mga hindi karapat-dapat.

Ayon kay Angara, mahalagang ma-review ang batas ukol dito upang matukoy kung kailangan itong amyendahan.

Giit ni Angara, hindi dapat palagpasin ang anumang klaseng pag-abuso sa PWD card na ang layunin ay matulungan at mapagaan ang gastusin ng mga may kapansanan.

Facebook Comments